Friday, September 27, 2024

HomeNewsDalawang Traffic Enforcer, arestado sa buy-bust operation ng Ormoc City PNP

Dalawang Traffic Enforcer, arestado sa buy-bust operation ng Ormoc City PNP

Timbog ang dalawang traffic enforcer sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba sa sa Brgy. Cogon, Ormoc City nito lamang ika-19 ng Setyembre 2024.

Bandang 7:55 ng gabi ng maaresto ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Titing,” 37 anyos, residente ng Brgy. Camp Jorge Downes, Ormoc City, at alyas “Macky,” 28 anyos, isang residente ng Brgy. Labrador, Ormoc City. Pareho silang mga traffic enforcer sa nabanggit na syudad.

Nakuha mula sa mga suspek ang limang (5) pakete ng hinihinalang shabu, P500 na buy-bust money, P19,000 na boodle money, dagdag na P200. Nakuha rin ang iba pang gamit ng mga suspek gaya ng isang cellphone, dalawang disposable lighter, at isang sling bag.

Sa ngayon, tinutukoy pa ng Regional Forensic Unit 8 ang bigat ng mga nakumpiskang hinihinalang shabu. Naghahanda na rin ng mga angkop na kaso laban sa mga suspek.


Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe