Natupok ng apoy ang dalawang palapag na bahay sa Sitio Tan-awan, Barangay Guadalupe, Carcar City hapon nito lamang Martes, Agosto 23, 2022.
Ang bahay ay pag-aari ng isang pulis na si Police Corporal Johnrey Cañete Dayanan, na nakatalaga sa Station 5 ng Cebu City Police Office.
Ang umanoy sunog ay nagsimula alas-3:44 ng hapon at idinkelarang fire out bandang 4:15 na ng hapon ng mga awtoridad.
Ayon sa fire investigator na si FO1 Emver Abelgas mula sa Carcar City Fire Station, kanila pang inaalam ang naging sanhi ng sunog.
Tinatayang nasa mahigit Php150,000 ang halaga ng mga naging pinsala sa naturang sunog.
Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente. Agad namang nagpaabot ng tulong ang Barangay Counsilor ng Guadalupe na si Rey Anthony Lawas ng isang sakong bigas, groceries, damit at cash sa mga nasunugan.