Thursday, July 4, 2024

HomeNewsDalawang magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa lalawigan ng Samar, naitala nitong...

Dalawang magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa lalawigan ng Samar, naitala nitong Martes

Dalawang magkahiwalay na insidente ng pamamaril ang naitala noong Martes sa mga Bayan ng Tarangnan at Gandara, Samar, Hulyo 11, 2023.

Sa bayan ng Gandara, isang lalaki sa ngalan ni alyas “Enan” ang pinagbabaril ng suspek kahapon ng umaga sa mismong bahay nito sa hindi pa matukoy na kadahilanan.

Agad namang rumesponde ang kapulisan sa pinangyarihan ng krimen upang iberipika at magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa naturang insidente.

Habang binabaybay umano ng mga miyembro ng Gandara MPS ang lugar ay isang lalaki na may dalang baril ng walang kaukulang papeles ang namataan at inaresto ng mga awtoridad.

Kinilala ang naarestong personalidad na si alyas “James”, 20 anyos at residente ng Brgy. Buao sa Gandara, Samar.

Nakumpiska ng mga awtoridad kay alyas James ang isang kalibre 45 baril, magazine at 7 piraso ng bala. Tinitingnan din ng mga awtoridad kung may kaugnayan ito sa insidente ng pamamaril sa naturang barangay.

Samantala, isang lalaki din ang naitalang binaril at patay sa kalsadang sakop ng Brgy. Gallego sa Tarangnan, Samar.

Kinilala ang biktima na si Perfecto Leones Machate, residente ng Brgy. Poblacion A sa Tarangnan, Samar.

Sa ngayon ay inaantabayanan pa ang kabuuan ng report kaugnay sa pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa pananambang.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe