Friday, April 18, 2025

HomeNewsDalawang lalaki, patay matapos malunod sa Northern Samar

Dalawang lalaki, patay matapos malunod sa Northern Samar

Patay ang dalawang lalaki matapos malunod sa Sitio Labas beach sa Barangay Nipa, Palapag, Northern Samar, bandang 3:30 ng hapon noong Marso 8, 2025.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Mark Oblino, 20 anyos, at Bernie Milla, 21 anyos, parehong residente ng Barangay Asum sa nasabing lugar.

Ayon sa mga ulat, agad nagsagawa ng search and retrieval operation ang mga awtoridad matapos ang insidente.

Bandang alas-7:00 ng umaga kinabukasan, natagpuan ang walang buhay na katawan ni Milla sa dalampasigan. Samantalang ang katawan naman ni Oblino ay natagpuan bandang alas-8:00 ng umaga.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES
[td_block_social_counter facebook="tinigngkabisayaan" twitter="TinigKabisayaan" youtube="channel/UCC_QNm7kwd7W63yRh3raxoA" instagram="TinigNgKabisayaan" tiktok="@tinigngkabisayaan" manual_count_facebook="278" manual_count_instagram="1" manual_count_tiktok="54" custom_title="STAY CONNECTED" header_color="#dd9933"]