Thursday, November 7, 2024

HomeNational NewsDalawang construction worker, patay sa pagsabog ng Anti-personnel landmine sa Northern Samar

Dalawang construction worker, patay sa pagsabog ng Anti-personnel landmine sa Northern Samar

Northern Samar – Dalawang sibilyan ang namatay matapos ang pagsabog ng anti-personnel landmines na itinanim umano ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Magsaysay, Las Navas, Northern Samar, Sabado, Hunyo 3, 2023.

Ang mga biktima ay parehas na construction worker ng farm-to-market road na magdudugtong sa interior villages ng nasabing bayan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na bukod sa mga pinsalang natamo ng pagsabog ng APM, nagtamo rin ang mga biktima ng mga tama ng bala ng baril.

Sinabi ni Lieutenant Colonel Joemar Buban, Commanding Officer ng 20th Infantry Battalion, na ang pag-atake ng teroristang grupo ay isang malinaw na paglabag sa Ottawa Convention (Mine Ban Treaty), na nagbabawal sa paggamit, pag-iimbak, produksyon, at paglipat ng mga anti-personnel landmine (APL).

“Ginagawa ng 20IB ang lahat ng makakaya upang matulungan ang mga dating naapektuhang barangay sa pamamagitan ng ating Mobile Community Support and Sustainment Program Teams para makamit ang pangmatagalang kapayapaan at sustainable development sa Northern Samar. Ngunit ang kamakailang pag-atake ng CPP-NPA ay nagpapakita ng karahasan at walang saysay na pagpatay, na hindi nakakatulong sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga Nortehanon,” hinaing ni Lt Col Buban.

“Tinatawagan namin ang Commission of Human Rights na imbestigahan at gumawa ng pahayag sa mga patuloy na hindi mapapatawad na paglabag sa Ottawa Convention, International Humanitarian Law, at RA 9851, ng mga komunistang terorista ng NPA sa Northern Samar,” giit ni Lt. Col. Buban.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe