Sunod-sunod na lindol ang naitala sa Lalawigan ng Eastern Samar noong araw ng Sabado, Enero 28, 2023.
Niyanig ng Magnitude 2.7 na lindol ang Homonhon Island sa Bayan ng Guiuan, Eastern Samar bandang 06:55 ngayong umaga.
Una namang naramdaman ang pagyanig ng lupa bandang 04:25 ng madaling araw kung saan naitala ang Magnitude 5.5 na lindol at ang episentro nito na nasa layong 14 km Hilaga ng Homonhon Island sa Bayan ng Guiuan, Eastern Samar.
Batay sa tala ng PHILVOCS, ramdam ang pagyanig sa mga sumusunod na mga lugar:
Intensity IV – Guiuan, Lawaan, Mercedes, and Salcedo, Eastern Samar; Abuyog, Alangalang, Lungsod ng Baybay, Dulag, Javier, La Paz, Palo, Santa Fe, Tabontabon, Tanauan, and Tolosa, Leyte; San Francisco, Southern Leyte, Intensity III – General MacArthur, Eastern Samar;
Babatngon, Barugo, Leyte, Pastrana, and Tunga, Leyte; at Lungsod ng Tacloban
Intensity II – Maydolong, Eastern Samar; Albuera, Leyte; Lungsod ng Ormoc
Intensity I – Lungsod ng Cebu
Samantala, patuloy naman na inaantabayan ang ulat mula sa PDRRMO Eastern Samar hinggil sa naging pinsala nito sa mga naturang lugar.