Thursday, July 4, 2024

HomeNewsDalawang bata, nalunod sa Malajog Beach sa Calbayog City

Dalawang bata, nalunod sa Malajog Beach sa Calbayog City

Naniniwala ang ilang mga residente sa Brgy. Malajog, Calbayog City na biktima ng “Sayaw” ang dalawang batang babae na nalunod sa dagat kamakailan.

Sa personal na pakikipag-panayam kay Ginang Sha-An Cabibihan, sinabi nito na halos taon-taon ay may tinatangay na buhay sa Malajog Beach kapag tumutugtog ang “Sayaw” sa Malopalo Marble Park na para sa kanila ay isang kababalaghan.

Sabi ni Cabibihan at iba pang nakatira malapit sa Malajog Beach na bago masawi dahil sa pagkalunod ang kanyang limang taong gulang na anak na si Hilary ay may mga nakarinig umano na tumugtog ang “Sayaw” na isang kababalaghan dahil wala namang mga nakatira sa Malopalo Marble Park pero may pagkakataon na sa di malaman na dahilan ay may naririnig silang tugtog ng sayawan mula doon.

Hudyat umano iyon na may kukunin na namang buhay ang karagatan ng Malajog.

Kuwento pa ni Cabibihan, ilang araw bago masawi ang kanyang anak ay tila ay pakita ito ng mga signos tulad na lamang ng voice recorded audio nito na nagsasabing baka mamatay siya at malunod. Maririnig din sa naturang audio recording na kumalat sa social media na tila nagpapaalam ito sa kanyang kaibigan na baka hindi na sila magkikita.

Nahiwagaan din aniya siya kay Hilary dahil panay ang sabi nito na kanya na “Mama mag grocery tayo, bili tayo ng maraming kape at biskwit para marami tayong stocks sakaling mamatay ako”.

Hapon ng Ika-15 ng Hunyo nang magpaalam umano ang kanyang anak na maliligo sa dagat kasama ang isa pa nitong kaibigang babae, pero dahil nasanay naman sila na madalas itong maligo at nakauuwi ng bahay na ligtas ay pinayagan nila ito.

Si Hilary ay isa umanong matalinong bata na magtatapos sana sa kindergarten, subalit hindi na makakamartsa pa sa entalado dahil siya ay pumanaw na.

Nakaburol din ang kasama ni Hilary na nasawi rin dahil sa pagkalunod.

Paniwala naman ng iba na ang pagtugtog ng “Sayaw” sa Malopalo Marble Park ay hudyat nang panibago na namang trahedya sa Malahog Beach.

Ilang taon na ang nakalilipas nang tumugtog din ang “Sayaw” ay may batang hapones ang nalunod sa lugar at hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang katawan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe