Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsDalawang bata ang patay, 8 bahay ang natupok sa sunog sa Danao...

Dalawang bata ang patay, 8 bahay ang natupok sa sunog sa Danao City

Patay ang isang limang taong gulang na batang lalaki at ang kanyang apat na taong gulang na pinsan matapos mabigong makatakas sa sunog na sumiklab sa Purok 4 Delfin Dawe sa Barangay Tuburan Sur, Danao City noong Biyernes ng hapon, Pebrero 10, 2023.

Kinilala ni Senior Fire Officer 1 Ronald Tellidua ng Danao City Fire Office ang dalawang nasawi na sina Vohn Evanz Bigata, 5 at Czech Clarence Andales, 4.

Nasa walong bahay ang nawasak habang dalawa ang napinsala sa sunog.

Pahayag ni Helen Bigata, lola ng mga biktima sa mga fire investigator na natutulog ang kanyang mga apo sa ikalawang palapag ng kanilang bahay nang magsimula ang sunog dakong alas-3:45 ng hapon.

Sinabi ni Helen na pinagmamasdan niya ang isa pa niyang apo sa unang palapag ng kanilang bahay nang mapansin ang usok sa ikalawang palapag.

Matapos dalhin ang kanyang apo sa labas ng kanyang bahay, sinubukan ni Helen na iligtas ang kanyang iba pang mga apo, ngunit ang apoy ay masyadong malaki at mabilis na kumalat dahilan upang matupok ang mga kalapit na bahay.

Dakong alas-4:30 ng hapon nakaresponde ang mga bumbero at na kontrol ang apoy makalipas ang 10 minuto.

Tinatayang nasa P212,500 ang halaga ng pinsala sa sunog.

Ani ni Tellidua na ang sunog ay maaaring sanhi ng electric mishap matapos sabihin sa kanila ni Helen bago magsimula ang apoy, binuksan niya ang kanyang electric fan sa ikalawang palapag upang panatilihing malamig ang kanyang natutulog na mga apo.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe