Dalawang bahay ang tinupok ng apoy at 2 ang bahagyang napinsala ng sunog noong umaga ng Disyembre 18, 2023 sa Purok 1 Brgy. Trinidad, Calbayog City.
Ayon sa inisyal na imbistigasyon ng Bureau of Fire Protection, 2 residential na bahay ang tinupok ng apoy na pag-aari ng pamilya Cerilo Bongoyan, na isang ancestral house.
Ang unang palapag ay gawa sa kahoy at konkreto naman ang sa unang palapag kung saan nagsimula ang sunog habang ang isang bahay naman ay tinitirhan ni Ginang Elena Porlares Montes na karamihan ay gawa sa light materials.
Dalawang bahay naman ang bahagyang napinsala at tatlong katao naman ang nagtamo ng minor burns na agad namang binigyan lunas medikal.
Samantala, sa paunang pagtatantiya ng BFP na pinsala ng sunog ay tinatayang nasa mahigit kumulang sa Php694,400.00.