Wednesday, January 8, 2025

HomeNewsDalawang araw na Transport Strike, inilunsad sa Iloilo

Dalawang araw na Transport Strike, inilunsad sa Iloilo

Nagsimula ngayong Lunes, ika-3 ng Hunyo 2024 ang dalawang araw na transport strike sa lungsod ng Iloilo bilang protesta sa ipinatutupad na di umano ay palpak na Enhanced Local Public Transport Route Plan.

Sa panayam kay Elmer Forro, Lead Convenor ng No to PUV Phase-out Coalition Western Visayas, ipinahayag niya na ang transport strike na ito ay pagsasama-sama ng mga drayber at operator ng first-town jeepneys kasama na ang mga nagbabiyahe ng ruta mula at papuntang Leganes, Pavia, at Oton. 

Ayon kay Forro, sinisira ng route plans na ito ang kabuhayan ng mga drayber at naapektuhan din ang mga pasahero. 

Limitado na ang pagsakay sa mga first-town jeepneys sa lungsod.

Ibinaba sa 40% lamang ng kanilang usual routes kapag peak hours na alas 6:00  hanggang alas 9:00 lamang sa umaga at alas 4:30 hanggang alas 6:30 lamang sa hapon.

Sa kabilang banda, 25% lamang ang pinapayagan sa mga off-peak hours kaya’t malaki ang epekto nito sa araw-araw na kita ng mga drayber.

Idinagdag pa ni Forro, ang transport strike na ito ay kanilang demonstrasyon na hindi nila nagustuhan ang ipinatutupad na planong ruta sa lungsod.

Matatandaan na noong Biyernes, ika- 31 ng Mayo 2024, nagdaos ang mga apektadong drayber at operator ng isang “press conference” upang ipanawagan sa pamahalaang lungsod ng Iloilo na bumalik sa previous system upang mapayagan ang 100 percent na pagsakay sa Iloilo City.

Source: Bombo Radyo Iloilo

Panulat ni Justine

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe