Tuesday, November 26, 2024

HomeNewsDalawa patay, apat sugatan sa salpukan ng tatlong sasakyan sa Julita, Leyte

Dalawa patay, apat sugatan sa salpukan ng tatlong sasakyan sa Julita, Leyte

Dalawa ang naitalang patay at apat naman ang isinugod sa Ospital matapos ang salpukan ng tatlong sasakyan sa Bayan ng Julita, Leyte.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente bandang alas 12:15 ng tanghali noong Pebrero 27, 2023 sa Poblacion District 4 sa nabanggit na bayan kung saan patay ang isang lalaki at isang pulis habang apat na indibidwal din ang naitalang sugatan.

Sakay umano ang mga ito ng Ford Ranger pick-up, Isuzu High side mini dump at single na motorsiklo.

Kinilala ang mga nasawi na sina Noli Caña, residente ng Poblacion District 2 sa Julita, Leyte na driver ng Ford Ranger Pick-up at si Patrolman Vincent Paul Culaban Abad driver ng Yamaha sniper na kasalukuyang naka-destino sa Southern Leyte Police Provincial Office.

Samantala, ang mga sugatan naman ay kinilalang sina Jonaliza Maldo, 27 anyos, residente ng Brgy. Burabod Mc Arthur, Leyte; Christine Codilla, 20 anyos, residente ng Brgy. Dita, Julita, Leyte at Loreto Baloes na pawang mga pasahero ng pick-up.

Habang ang isa pang sugatan na kinilalang si Felix Cabudoc, may-asawa, driver ng Isuzu High side mini dump at residente ng Poblacion District 1, Julita, Leyte ay kasalukuyang nagpapagaling ngayon sa Ospital

Lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan na byahe sa parehong direksyon ang single na motorsiklo na minamaneho ni Pat. Abad at ang high side mini dump patungo sa Bayan ng Dulag mula sa Bayan ng Julita nang umano’y mag-overtake ang motorsiklo sa high side mini dump na nagresulta ng pagbangga nito sa pick-up na sasakyan. Habang bumanga naman ang Ford Ranger pick-up sa mini dump na nagresulta ng pagtamo ng physical injuries ng mga biktima.

Agad pang naisugod sa Ospital ang mga nabanggit na biktima ngunit agad na binawian ng buhay si Pat. Abad na driver ng Yamaha Sniper at Noel Caña na driver ng Ford Ranger habang ang iba ay patuloy na ginagamot at nagpapagaling pa sa Ospital.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe