Wednesday, April 2, 2025

HomeNewsDalawa ang patay, matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Brgy. Tamoso,...

Dalawa ang patay, matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Brgy. Tamoso, Borongan City

Namatay ang mag-lola nang masunog ang kanilang bahay sa Brgy. Tamoso, lungsod ng Borongan, Eastern Samar bandang alas-3:43 ng umaga noong Setyembre 24, 2023.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga nasawi na sina Lourdes D. Abobo at Lloyd Alec Legion na kapwa nasa loob ng bahay at na-trap dahil sa malaking sunog.

Sa inilabas na fire report ng BFP Borongan, nasa first alarm ang sunog at nakontrol ang apoy pasado alas-4:20 na nang umaga.

Ayon kay Franklin Marzon, Chief Investigator ng BFP Borongan, iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog at tinatayang nasa mahigit Php700,000 ang pinsala na dulot nito.

RELATED ARTICLES
[td_block_social_counter facebook="tinigngkabisayaan" twitter="TinigKabisayaan" youtube="channel/UCC_QNm7kwd7W63yRh3raxoA" instagram="TinigNgKabisayaan" tiktok="@tinigngkabisayaan" manual_count_facebook="278" manual_count_instagram="1" manual_count_tiktok="54" custom_title="STAY CONNECTED" header_color="#dd9933"]