Monday, December 23, 2024

HomeHealthDA, inabisuhan ang publiko sa patuloy na pagtaas ng kaso ng ASF...

DA, inabisuhan ang publiko sa patuloy na pagtaas ng kaso ng ASF sa Capiz

Mariing inabisuhan ng Department of Agriculture ang mga residente ng lalawigan ng Capiz dulot sa patuloy na pagtaas ng kaso ng African Swine Fever (ASF) sa mga alagang baboy sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Engr. Jose Albert Barrogo, OIC-Regional Executive Director ng DA Western Visayas, tinatayang nasa 18 specimen mula sa magkaibang alagang baboy sa Barangay Canapian sa bayan ng Maayon ang nagpositibo sa ASF sa isinagawang polymerase chain reaction test ng mga tauhan ng Regional Animal Diseases and Diagnostic Laboratory (RADDL).

Dagdag pa ni Barrogo na inabisuhan na rin nila ang iba pang mga residente na may mga babuyan din sa loob ng 500-meter radius mula sa Barangay Canapian.

Sa buong Western Visaysas partikular sa isla ng Panay, ang mga lalawigan ng Antique at Aklan na lamang ang nananatiling ASF free habang ang lalawigan naman ng Iloilo ay patuloy pa ring binabantayan ang mga kaso sa loob ng 22 mga bayan.

Samantala, nananatili namang mababa ang porsyento ng kaso ng ASF sa Antique at sa mga lalawigan ng Negros Occidental at Guimaras.

Dagdag pa ni Barrogo na kasalukuyan ng nagsasagawa ang ahensya ng mga hakbang upang malabanan ang pagtaas ng mga kaso ng ASF, kabilang na rito ang pagkakaroon ng local livestock technicians sa mga barangay sa pamamagitan ng mga biosecurity officer upang tumulong sa pagsasagawa ng mga surveillance campaign.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe