Eastern Samar – Arestado ng mga awtoridad ang isang CTG member sa kasong Attempted Murder sa Sitio Casapa, Barangay Denigpian, Dolores, Eastern Samar nito lamang ika-24 ng Agosto 2022.
Kinilala ang naaresto na si Beni Lapesora alyas “Ka-Budo/Lulo”, miyembro ng Communist Terrorist Group, 40 taong gulang, magsasaka, may live-in partner at residente ng Barangay Denigpian, Dolores, Eastern Samar.
Si alyas “Ka-Budo/Lulo” ay isang non PSR Listed Defense Officer ng isang CTG Pseudo Government sa ilalim ng Front-3, Sub-Regional Committee, ARCTIC, Eastern Visayas Regional Party Committee.
Bandang 10:00 ng gabi naaresto si Lapesora sa bisa ng warrant of arrest ng mga Intel Operatives ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company at Dolores Municipal Police Station sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Major Aldwin A Ballete, Chief of Police.
Ang naarestong suspek ay nasa kustodiya na sa ngayon ng Pambansang Pulisya.