Wednesday, December 25, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsCTG Member sa Leyte, kusang sumuko sa mga Awtoridad

CTG Member sa Leyte, kusang sumuko sa mga Awtoridad

Palo, Leyte- Kusang sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa mga awtoridad ng 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company sa Brgy. Buenavista, Quinapondan, Eastern Samar noong Hulyo 13, 2022.

Ang sumuko ay kinilalang si alyas Ricks, 26 taong gulang, binata, magsasaka at residente ng Gen. MacArthur, Eastern Samar. Isa siyang red fighter na kumikilos sa mga lugar ng Lawa-an hanggang Borongan ng nasabing lalawigan.

Kasama niya sa pagsuko ang isang kalibre 38 revolver na may apat na piraso ng live ammunition.

Ang kanyang pagsuko ay resulta ng Intelligence and Information Operation (Counter Propaganda) ng Advocacy Support Group at Intelligence personnel ng 2nd ESPMFC sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Rolando C Dellezo, Acting Force Commander.

Pinoproseso na rin ang kanyang mga dokumento para sa pag-avail ng programa ng gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP.

Pinuri naman ni Police Brigadier General Bernard M Banac, Regional Director ang pagsusumikap ng mga kapulisan sa rehiyon laban sa insurhensya.

Anya, “Sa inyong walang humpay na pagsisikap sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa inyong mga komunidad, ang ating layunin na mapaniwala at manalig sa ating pamahalaan ang ating mga kapatid sa armadong pakikibaka ay naisasakatuparan na.”

Nananawagan din si RD Banac sa mga niloloko pa rin ng mga rebeldeng grupo na isuko ang kanilang mga armas at isumite ang sarili sa mga awtoridad dahil may mas magandang plano ang gobyerno para sa kanila.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe