Sumuko ang limang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) at dalawang militiamen kasama ang kanilang mga baril sa 87th Infantry “Hinirang” Battalion, 8th Infantry “Stormtroopers” Division, Philippine Army sa Barangay Poblacion 2, San Jose De Buan, Samar noong Marso 22, 2023.
Ang sumuko ay mga miyembro ng Yakal Platoon, Sub-Regional Committee (SRC) Browser, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).
Ang kanilang pagsuko ay bunga ng tuloy-tuloy na pagsisikap ng Local Peace Engagement (LPE) Cluster ng Municipal Task Force to End Local Communist and Armed Conflict ng Paranas, San Jose de Buan, Motiong at San Jorge.
Takot, gutom, at pagkabalisa ang pangunahing dahilan kung bakit sila bumalik sa tropa ng gobyerno. Ibinigay nila ang isang 60mm Mortar, tatlong M14 Rifles, isang M16 rifle, isang cal .45 pistol, isang homemade shotgun, at iba’t ibang mga bala.
Sa pahayag ni Lieutenant Colonel Luzelito Q. Betinol, Commanding Officer ng 87IB, hinihikayat niya ang mga natitirang miyembro ng CTG na bumalik sa mga kulungan ng batas upang tamasain at samantalahin ang mga serbisyo ng gobyerno.
“Ang patuloy na pagkakawatak-watak at pagsuko ng mga miyembro ng CTG ay nagpapahiwatig ng mabisang programa ng ating pamahalaan,” sabi ni Lt.Col.
Dagdag ni Betinol, nagpapasalamat ang 8th Infantry “Stormtroopers” Division Commander, Major General Camilo Z. Ligayo sa tiwala na ibinigay ng pitong sumuko sa gobyerno.
“Sana magsilbing halimbawa ang pitong sumuko, para himukin ang natitirang mga miyembro ng CTG na talikuran ang karahasan at yakapin ang landas ng kapayapaan at kaunlaran. Hindi pa huli ang lahat, susuportahan ng ating gobyerno ang iyong muling pagbabalik loob,” saad ni Maj Gen. Ligayo.