Northern Samar – Arestado ng mga awtoridad ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group na Top 1 Most Wanted Person (Provincial Level) sa Silvino Lubos, Northern Samar noong Agosto 28, 2022.
Kinilala ang naaresto na si alyas “Jasper,” lalaki, 48 taong gulang, binata, CTG member, at residente ng Brgy. Senonogan De Tubang, Silvino Lubos, Northern Samar.
Si alyas “Jasper” ay isang Vice Platoon Leader (VPL) ng Sub-Yunit Platoon (SYP) “Kidlat”, FC1 (Metro), SRC EMPORIUM, EVRPC na kumikilos sa bulubunduking bahagi ng Northern Samar sa pamumuno ni commander “Dodo.”
Bandang 8:00 ng gabi naaresto si alyas ‘Jasper” sa bisa ng warrant of arrest ng mga operatiba ng 803rd Maneuver Company kasama ang CIDG NSPFU, 1st Northern Samar PMFC, NSPHPT at Silvino Lubos Municipal Police Station.
Nahaharap ang naaresto sa kasong Attempted Murder (RPC ART. 248) noong November 9, 2021 na may Php120,000.00 na inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan at para sa Crime of Alarm and Scandal (RPC ART. 155) din na may petsang March 24, 2022 at walang inirekomendang piyansa.