Monday, December 16, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsCTG Member sa Tacloban City, kusang sumuko at nagbalik loob sa Gobyerno

CTG Member sa Tacloban City, kusang sumuko at nagbalik loob sa Gobyerno

Kusang sumuko at nagbalik loob sa Gobyerno ang isang CTG Member sa mga tauhan ng 805th Maneuver Company, Regional Mobile Force Batallion 8 sa Brgy 97, Cabalawan, Tacloban City nitong ika-10 ng Agosto 2022.

Ayon sa mga awtoridad, si alyas “Mario” miyembro ng CTG mula sa Villareal Samar ay nahikayat ng 805th Maneuver Company RMFB8 at Regional Intelligence Division 8 na kusang sumuko upang magkaroon ng bagong buhay kasama ang kanyang pamilya.

Nai-turn over ng Subject Partner Stakeholder (PS) ang isang 12-gauge shotgun na may siyam na live ammunition, isang unit caliber .38 revolver (snub nose type) na may kargang limang live ammunitions.

Nasa ilalim na siya ngayon ng protective custody ng 805th Maneuver Company RMFB8 habang hinihintay ang kanyang aplikasyon para ma-avail ang E-CLIP package ng gobyerno.

Ang matapang na pagsuko ng Subject Partner Stakeholder ay isang manipestasyon na ang programang NTF-ELCAC ng gobyerno sa pagwawakas sa armadong pakikibaka ay matagumpay na naipapatupad.

Hinihikayat ng mga awtoridad ang mga miyembro ng CTG na sumuko at mamuhay nang walang takot. Ang pamumuhay sa kabilang panig ng batas ay walang magandang maidudulot, bukas ang lahat ng opisina ng gobyerno upang tulungan kayong muling magsimula ng panibagong buhay.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe