Boluntaryong sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa mga awtoridad nitong hapon ng Nobyembre 7, 2022 sa bayan ng Sigma, Capiz.
Kinilala ang sumuko na si Sonny Federiso y Fuyon alias “Bantito” 51 taong gulang, may asawat at residenete ng Sitio Luna, Brgy Pinamalatican, Sigma, Capiz.
Ayon sa mga awtoridad, si Bantito ay kabilang din sa mga kasapi ng CTG na nangungulekta ng revolutionary tax mula Enero 1989 hanggang Disyembre 1990, tuwing bumibisita si General Lacson alias Ka Jojo, kasapi ng Central Front KR-Panay, sa kanilang barangay.
Kabilang sa mga isinuko ni Bantito ang kanyang dalang baril na isang yunit ng single shot homemade pistol (break type) na walang serial number na may 10 live ammunition ng .30 caliber; isang yunit ng rifle grenade; at isang ammunition ng M203 grenade launcher.
Ayon pa ni Bantito, sumuko siya sa mga awtoridad sa kadahilanang gusto niya ng linisin ang kanyang pangalan at tuluyan ng magpapasailalim sa pamahalaan at mamuhay ng payapa kasama ang kanyang mga pamilya.