Saturday, October 5, 2024

HomeNational NewsCPP-NPA Terrorists, nakasagupa ng mga sundalo sa Northern Samar

CPP-NPA Terrorists, nakasagupa ng mga sundalo sa Northern Samar

Northern Samar – Nakasagupa ng tropa ng gobyerno sa ilalim ng 803rd Brigade, Philippine Army habang nagsasagawa ng Focused Military Operation sa paligid ng KM9, Brgy Happy Valley, San Isidro, Northern Samar ang grupo ng mga CPP-NPA Terrorist bandang 12:30 ng tanghali noong Nobyembre 18, 2022.

Tumagal ng 15 minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang at pagkahuli sa tatlong umano’y miyembro ng terorista, at pagbawi ng mga samu’t saring live ammunition at mga mahahalagang dokumento.

Inaksyunan ng tropa ng gobyerno ang ulat ng mga sibilyan sa KM9, Brgy Happy Valley tungkol sa isang armadong grupo na nagsasagawa ng pangingikil at pananakot sa mga tao sa nasabing lugar nang mangyari ang insidente.

Pinaniniwalaan na ang mga nakasagupang kasundaluhan ay ang pinagsamang grupo ng Front Committee 2 at Sub-Regional Guerilla Unit ng Sub-Regional Committee “Emporium” ng Eastern Visayas Regional Party Committee na madalas na binabantayan na nangingikil ng pera at suplay ng pagkain sa mga tao sa lugar.

Samantala, nanawagan naman si Colonel Peñaredondo, 803rd Brigade Commander, sa pamunuan ng CTG sa lugar na i-turn-over ang mga sugatang kasamahan para sa agarang atensyong medikal.

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa mga mamamayan ng KM9, Brgy Happy Valley para sa boluntaryong impormasyon na humantong sa engkwentro sa teroristang grupo.

Hinihikayat din ni Col Peñaredondo ang mga natitirang miyembro ng CPP-NPA Terrorists na isuko ang kanilang mga armas na bumalik sa kanilang mga pamilya at magsimula ng isang bagong produktibong buhay sa pamamagitan ng pag-avail ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at Northern Samar Local Social Integration Program. (LSIP).

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe