Saturday, October 5, 2024

HomeNewsConstruction Worker, patay matapos barilin sa Calbayog City, Samar

Construction Worker, patay matapos barilin sa Calbayog City, Samar

Isang construction worker ang natagpuang patay sa Diversion Road, Purok 5 Brgy. Dagum, Calbayog City, Samar ngayong araw, Disyembre 2, 2022.

Base sa inisyal na imbistigasyon ng Calbayog CPS, isang residente ang nakadiskubre sa biktima na nakahandusay sa kalsada bandang 6:00 ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Kayron Deguiño y Francisco alias Da-oy, 18 years old, construction worker at residente ng Purok 4 Brgy. Hamorawon Calbayog City, Samar.

Ayon sa Calbayog City Forensic Unit, ang biktima ay may tama ng bala sa ulo sa tabi ng kanyang motorsiklo at narekober sa crime scene ang isang (1) piraso ng Alleged Fire Cartridge ng kalibre .45. Dinala naman ang bangkay ng biktima sa Bornec Funerals sa Brgy. West Awang, Calbayog City.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang dahilan ng pamamaslang.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe