Thursday, November 7, 2024

HomeSportsCongressional medal ibibigay sa isang Pinay na nanalo sa US Tennis Open

Congressional medal ibibigay sa isang Pinay na nanalo sa US Tennis Open

Bacolod City – Ipinasa ng isang kongresista mula sa Negros Occidental ang isang House Resolution na naglalayong mabigyan ng Congressional Medal of Distinction ang 17 anyos na Pinay na si Alexandra “Alex” Eala, matapos itong manalo sa 2022 US Open junior girls’ Tennis singles.

Ipinasa ni third District Rep. Jose Francisco Benitez, ang House Resolution 372 bilang pagkilala sa karangalang ibinigay ni Eala sa bansa.

“Alex’s phenomenal performance and historic victory at the US Open brings great honor and joy to our country and serves as beacon of hope and inspiration for Filipino athletes and the youth,” sabi ni Benitez.

“The Filipino youth should emulate Alex’s determination, diligence, discipline and dedication. With these qualities, nothing is impossible,” dagdag pa niya.

Ang pamilya ng tatay ni Eala na si Mike ay nagmula sa parehong bayan ni Benitez sa Victorias City sa Negros Occidental.

Nito lamang Setyembre 11 nang nanalo si Eala sa US Open junior trophy matapos ang 6-2, 6-4 na panalo laban kay Lucie Havlickova ng Czech Republic sa girls’ singles final sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa New York.

Si Eala ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng junior Grand Slam singles title.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe