Friday, January 24, 2025

HomeNational NewsCommunist NPA Terrorist's Ammunition Cache sa Leyte, natuklasan

Communist NPA Terrorist’s Ammunition Cache sa Leyte, natuklasan

Ormoc City, Leyte – Rumesponde ang mga awtoridad matapos iulat ng mga lokal na residente ang isang Communist NPA Terrorist (CNT) ammunition cache sa Brgy. Mahilom, Hindang, Leyte noong Nobyembre 10, 2022.

Natuklasan at narekober ng pinagsamang tropa ng 14th Infantry (Avenger) Battalion at 93rd Infantry (Bantay Kapayaapaan) Battalion, Philippine Army ang 167 Cartridges of Cal. 7.62mm para sa M60 General Purpose Machine Gun (M60 GPMG).

Ang pagkakatuklas sa CNT ammunition cache ay magpapababa sa kakayahan ng teroristang grupo at ito ay nagpapahiwatig na ang CPP-NPA-NDF ay wala na at/o hindi na tinatanggap sa mga komunidad.

“I am grateful and thankful to the local populace of Brgy Mahilom, Hindang, Leyte for reporting this ammunition cache” sabi ni Colonel Noel A. Vestuir, Commander ng 802nd Infantry (Peerless) Brigade, 8th Infantry (Stormtroopers) Division, Philippine Army.

“Kaya hinihikayat ko ang lahat ng ating nasasakupan sa mga lalawigan ng Biliran, Leyte at Southern Leyte na gawin din ito at iulat ang pagkakaroon ng mga CNT sa inyong mga komunidad”, dagdag ni Col Vestuir.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe