Tuesday, May 13, 2025

HomeNewsCOMELEC Region 7, maayos at mapayapa ang pagdaraos ng Halalan sa Central...

COMELEC Region 7, maayos at mapayapa ang pagdaraos ng Halalan sa Central Visayas

Cebu City — Ipinahayag ng Commission on Elections (COMELEC) Region 7 na naging maayos, payapa, at matagumpay ang pagdaraos ng halalan sa buong rehiyon ng Central Visayas noong Lunes, Mayo 12, 2025.

Ayon kay Atty. Francisco Pobe Jr., Regional Director ng COMELEC Region 7, bagama’t may ilang insidente ng pagkakamali sa padala ng mga balota, agad itong naresolba sa pakikipagtulungan ng mga election officers at hindi naman nakaapekto sa kabuuang proseso ng botohan.

Sa kabila ng ilang insidente ng maling padala ng mga balota—kabilang ang 42 balota para sa Pardo, Cebu City na naideliver sa Candijay, Bohol, at 44 balota sa Mandaue City na kulang sa second page—ipinaliwanag ni Pobe na agad itong naaksyunan at hindi nakaapekto sa pagsisimula ng halalan.

Ipinahayag ni Director Pobe na ang naturang mga insidente ay agad na naaksyunan alinsunod sa mga itinakdang protocol hinggil sa seguridad ng mga balota. Kaagad din siyang nakipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) at sa Philippine Coast Guard upang matiyak ang agarang pagdadala ng mga balota, lalo na sa mga malalayong lugar gaya ng Isla ng Bantayan.

Nilinaw din niya na ang mga pagkakamaling ito ay hindi nakaantala sa pagsisimula ng botohan sa ganap na alas-7 ng umaga, at hindi rin nakaapekto sa pagtatapos ng halalan.

“Sa among assessment, dili kini makaapekto sa kadugayon sa piniliay kay pipila ra man kini ka balota ug wala gayoy election na 100% ang turnout sa matag precinct,”pahayag ni Pobe.

Bukod pa rito, sinabi ni Pobe na naging mabilis at maayos ang proseso ng pagboto, at agad din naibibigay sa mga botante ang kani-kanilang resibo sa tulong ng bagong Automated Counting Machines (ACMs).

Samantala, si Police Brigadier General Redrico Maranan, Regional Director ng Police Regional Office 7, ay personal na nag-ikot sa iba’t ibang polling centers sa lungsod ng Cebu upang tiyakin ang kaayusan at seguridad ng halalan.

Ayon kay Maranan, wala silang natanggap na ulat ng anumang krimeng may kaugnayan sa eleksyon sa buong rehiyon, patunay na naging tahimik at mapayapa ang pagdaraos ng halalan sa Central Visayas.

Source: AYB/Sunstar

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

[td_block_social_counter facebook="tinigngkabisayaan" twitter="TinigKabisayaan" youtube="channel/UCC_QNm7kwd7W63yRh3raxoA" instagram="TinigNgKabisayaan" tiktok="@tinigngkabisayaan" manual_count_facebook="278" manual_count_instagram="1" manual_count_tiktok="54" custom_title="STAY CONNECTED" header_color="#dd9933"]