Thursday, November 21, 2024

HomeNewsCOMELEC, pinakakansela ang registration ng “AN WARAY PARTYLIST”

COMELEC, pinakakansela ang registration ng “AN WARAY PARTYLIST”

Kinansela ng Comelec 2nd Division ang registration ng An Waray party-list dahil sa hindi pagsunod sa mga tuntunin at regulasyon nito na inilabas nitong Hunyo 2, 2023.

Batay sa pasya ng COMELEC 2nd Division, pinakakansela nito ang registration ng AN WARAY Partylist dahil umano sa paglabag at hindi pagtalima nito sa batas, regulasyon kaugnay sa pagdaraos ng halalan partikular sa Republic Act No. 7941 Section 6 (5) noong 2013 Elections.

Nag-ugat ang problema ng pahintulutan umano ng An Waray Partylist ang kanilang second nominee na si Atty. Victoria Ysabel Noel na umupo bilang miyembro ng Kamara sa ilalim ng 16th Congress, kahit batid nitong hindi pa umano nag-issue ng Certificate of Proclamation ang COMELEC para gawin ito.

Ngunit, ang pasya na ito ng COMELEC 2nd Division ay hindi pa pinal hanggang sa maiakyat pa ito at mapagpasyahan pa ng COMELEC en banc.

Ang An Waray Partylist ay maaari paring umapela ng Motion for Reconsideration kaugnay sa desisyon na ito.

Si Rep. Bem Noel ang kinatawan ng An Waray Partylist sa Kamara de Representante ngayon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe