Matagumpay na pinasinayaan sa lungsod ng Bago sa Negros Occidental ang bagong tayong Cold Storage at Meat Cutting Facilities sa Brgy. Lag-asan ng parehong lungsod kahapon, Mayo 11, 2023.
Pinangunahan ang nasabing kaganapan ni Bago City Mayor Nicholas kasama si Governor Bong Lacson na pinuri pa ang lokal na pamahalaan sa matagumpay na pamamahala at pagkakaroon ng malawak na pananaw upang maging matagumpay ang pagsasatayo ng nasabing proyekto.
Ayon pa ni Lacson, lahat ng itatayong mga high-standard slaughterhouses sa bawat Local Government Unit sa lalawigan ay suportado ng lokal na pamahalaan ng lalawigan upang mas mapayabong pa ang ekonomiya ng bawat lokalidad.
Nagpasalamat naman si Mayor Yulo sa buong suporta ni Governor Lacson upang maisakatuparan ang nasabing proyekto sa lungsod.
Samantala, balak naman ng lungsod na magkaroon ng dekalidad na produkto ng karne sa lungsod na pwedeng maging export sa ibang bansa at gawin ang Bago City bilang “Negros Wagyu”.
Ang pasilidad ay pangasiwaan ng Bago City Office for Veterinary Affairs.