Wednesday, January 8, 2025

HomePoliticsGovernment UpdatesCoastal Road concreting sa 3rd District ng Negros Occidental tagumpay na natapos...

Coastal Road concreting sa 3rd District ng Negros Occidental tagumpay na natapos ng DPWH

Negros Occidental- Tagumpay na natapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) 3rd District, Negros Occidental ang Coastal Road Concreting nito sa bahagi ng Barangay Cayhagan sa Sipalay City nitong Agosto 1, 2022.

Ayon sa DPWH-Western Visayas, sa isang mensahe nito sa Facebook page, ang naturang site construction ay bahagi sa 3,500 lineal meter tourism coastal road ng probinsya na tuluyan ng sinimento at pinaganda.

Kabilang sa mga isinaayos ang mga slope protection, metal guard rails, mga post at hazard markers, at ang paglalagay ng mga reflectorized thermoplastic pavement markings sa bahagi ng kalsada.

Sinabi naman ni Regional Director, Nerie Bueno, na pangunahing layunin ng nasabing proyekto na magkaroon ng magandang kalsada sa lugar upang mabigyan ng maraming oportunidad ang lungsod para sa turismo at madiskubre pa ang ibat ibang local white sand beaches nito.

Aniya: “Considering the potential of this area in terms of tourism, agriculture and marine development, the improved road will be beneficial to the economy and tourism in this coastal part of Negros Occidental.”

Matatandaan na nitong Abril 2020, sinimulan ng DPWH ang road concreting sa 2,000-lineal meter na karugtong sa nasabing proyekto na nagkakahalaga naman ng Php40 million.

Nitong Marso naman ngayong taon sinimulan ang pagsasaayos ng nalalabing bahagi ng kalsada na nasa 1,500 lineal meters na nagkakahalaga naman ng Php30 million.

Sa Barangay Cayhagan matatagpuan ang iilan sa magagandang dalampasigan ng lungsod.

“With this better road, various beaches in the area may be converted into tourism sites that will eventually provide job opportunities among its local residents,” he said, adding that “likewise, transport of agricultural and marine products to the market will be easier, reducing travel time and delivery cost,” dagdag pa ni Bueno.

Samantala sinabi rin ni Bueno na ang widening ng Buclao Bridge sa bahaging Bacolod South Road sa Barangay Masaling sa bayan ng Cauayan ay tapos na rin.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe