Friday, November 8, 2024

HomeNewsCoastal Clean-up Drive, isinagawa sa baybayin ng Arevalo, Iloilo

Coastal Clean-up Drive, isinagawa sa baybayin ng Arevalo, Iloilo

Bilang paghahanda sa nalalapit pagdiriwang ng Paraw Regatta Festival 2024, isang coastal clean-up activity ang isinagawa sa naganap sa dalampasigan ng baybayin ng Arevalo, Iloilo nito lamang Sabado Pebrero 24, 2024.

Ang aktibidad ay sama-samang isinagawa ng mga tauhan mula sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Iloilo City, Bureau of Fire and Protection (BFP), at mga volunteers, kung saan aabot sa 43 sako ng basura mula sa mga baybayin ng Arevalo ang nakolekta.

Ang naturang aktibidad ay hindi lamang isang simpleng hakbang tungo sa kalinisan, bagkus ito rin ay isang pagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan at sa ating kapaligiran.

Ayon kay Miss Iloilo Paraw Regatta 2024 Shaima Al Yansuri, hindi dapat kalimutan ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan sa baybayin sa gitna ng pagdiriwang ng Paraw Regatta. Isa itong pagpapakita ng paggalang at pag-aalaga sa ating mga katubigan, lalo na’t ang festival ay nagtatampok ng makulay at masiglang kultura ng mga mandaragat.

Sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, ipinapakita natin ang ating pagmamahal at pag-aalaga hindi lamang sa kalikasan kundi pati na rin sa mga tradisyon at kultura ng ating bayan.

Panulat ni Justine

Source: Radyo Pilipinas Iloilo

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe