Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsCOA, kinwestyon ang pamunuan ng Catbalogan City kaugnay sa Php2.45M seminar sa...

COA, kinwestyon ang pamunuan ng Catbalogan City kaugnay sa Php2.45M seminar sa parañaque

Mariing kinwestyon ngayon ng Commission on Audit (COA) ang desisyon ng Catbalogan City officials na maglunsad ng seminar sa Metro Manila nitong nakaraang taon 2022.

Batay sa 2022 audit report sa Catbalogan City LGU, nasa 56 na mga opisyal at mga empleyado ang nagsagawa ng apat na araw na seminar sa Parañaque City na nagkakahalaga ng Php2.455 million.

Nagsagawa umano ito ng Workshop on Climate and Disaster Risk Assessment (CDRA) at Executive-Legislative Agenda (ELA), kung saan nanatili ito sa isang lodging place sa Parañaque City.

Ayon pa sa ulat, kasama sa seminar na ito ang Mayor, Vice Mayor, 10 miyembro ng Sangguniang Panlungsod, 18 department heads, gayundin ang 26 iba pang LGU aides, executive assistants at security officers kung saan tumagal ito mula September 12 to 16, 2022.

Napag-alaman na umabot sa Php831,406.57 ang Travel expenses habang ang training fees ay umabot naman sa Pph1.624 million, o katumbas ng Php29,000 budget kada tao.

Ayon pa naturang audit report, kinuha umano ang pundo ng naturang aktibidad sa hindi nagamit na pundo ng Local Disaster Risk Reduction And Management Fund (LDRRMF) ng LGU Catbalogan.

Mariing kinundena ng Commission on Audit ang aktibidad dahil sa tahasang paglabag umano nito sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular No. 2011-59 kung saan pinagbabawalan ang mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan na magsagawa ng trainings at seminars sa labas ng Geographical Location kung saan matatagpuan ang lokal na pamahalaan.

Dagdag pa dito, sinasabi umano ng DILG Memorandum Circular na dapat sa Visayas lamang isinasagawa ang ganitong seminar ng Catbalogan LGU.

Dahil dito ay ipinag-utos ngayon ng COA na magsubmite ng mga dokumento ang LGU kung bakit sa Metro Manila isinagawa ang seminar kung saan marami naman ang maaaring venue sa Visayas.

“The City should have been prudent in the use of their scarce financial resources. We recommended that management submit documents to support the necessity of the study tour,” pahayag ng COA.

Dapat rin umanong managot ang LGU Catbalogan sa naturang disallowance at maaaring ipa-refund ang nasabing halaga kung hindi ito magcomply sa naturang kautusan.

“This is without prejudice to an audit disallowance if management failed to justify the said study tour and/or there is an indication of excessive charging of the travel/training expenses,” dagdag pa ng COA.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe