Nagtipon sa Iloilo Freedom Grandstand ang iba’t ibang law enforcement units ngayong araw, ika-27 ng Enero, 2025 para sa Closing at Awarding Ceremony ng Task Group Dinagyang 2025.
Dumalo ang mga miyembro at mga tauhan na nag-augment at nag-duty sa Dinagyang Festival upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan ng selebrasyon.
Pinarangalan ng Task Group Dinagyang ang ilang indibidwal at yunit na nagpakita ng matagumpay na serbisyo at suporta sa selebrasyon.
Ayon sa record ng task group, idineklara na ang Dinagyang 2025 ay “Generally Peaceful,” dahil walang naitalang major incidents sa kabuuan ng selebrasyon.
Ang Dinagyang Festival ay patuloy na nagpapakita ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagdiriwang ng kultura at kasaysayan ng Iloilo.
Ang mga parangal na ipinagkaloob ngayong araw ay simbolo ng pagkilala sa walang sawang pagsisikap ng ating mga awtoridad upang masiguro ang tagumpay ng festival.
Patuloy na kinikilala ang Dinagyang bilang isa sa pinakamahusay at pinakapayapang festival sa bansa.
SOURCE: XFM Radyo Patrol Iloilo