Sunday, November 24, 2024

HomeNewsClimate Justice Walk, isinagawa ng isang environmental group mula Metro Manila hanggang...

Climate Justice Walk, isinagawa ng isang environmental group mula Metro Manila hanggang Tacloban City

Matapos ang isang buwang paglalakad mula sa Metro Manila, isang environmental group na binubuo ng 28 katao ang dumating sa lungsod ng Tacloban City nitong Miyerkules, sakto sa ika-10 taong paggunita sa pananalasa ng Super Typhoon Yolanda.

“The Climate Justice Walk does not end in Tacloban. Our real destination is in people’s hearts and minds – for climate hope to take root and yield results,” ayon kay Yeb Saño, lead advocate and executive director ng Greenpeace Southeast Asia.

Ayon pa kay Saño na ang Climate Justice Walk 2023: A People’s Journey for Climate Justice ay naglalayong magbigay pugay sa halos 7,000 buhay na nawala sa Yolanda.

“The Philippine government has played its role internationally, but we expect them to continue being a champion for climate justice, for the rights and interest of the Filipino people when it comes to climate change impact,” aniya ni Saño.

Ang pagdating ng grupo sa Tacloban ay kumukumpleto sa kanilang mahigit 1,000-km na paglalakbay sa ilalim ng matinding araw at paminsan-minsang pag-ulan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe