Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsClean and Green Competition, ilulunsad sa Lapu-Lapu City

Clean and Green Competition, ilulunsad sa Lapu-Lapu City

Magiging taunan nang isasagawa sa Lapu-Lapu City ang ‘Clean and Green Competition’ sa 30 barangay matapos aprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang isang resolusyon na bumalangkas para isulong ang kalinisan at kaayusan sa lungsod.

Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Lapu-Lapu ang resolusyon sa regular na sesyon nito noong Miyerkules, Nobyembre 16, 2022.

Laman ng naturang resolusyon ang kahilingan sa Lapu-Lapu City Environment and Natural Resources Office (LLCENRO) at Solid Waste Management Board (SWMB) na pagbabalangkas at paglulunsad ng taunang clean and green competition, na inakda nina Counsilor Annabeth Cuizon at Celestino Aying.

Napansin ng mga konsehal na ang waste management ay isa parin sa mga nananatiling isyu sa lungsod na kailangang matugunan sa kabila ng pagkakaroon ng lehislasyong pang-lokal at nasyonal.

“As a tourist destination and to maintain the sustainability of our city, we need to ensure that waste management is an integral part of our lifestyle,” bahagi ng resolusyon na binasa.

Binigyang-diin nina Cuizon at Aying na ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ay nangangailangan ng partisipasyo ng lipunan, at isang gawain na magkatuwang na isulong ng pamahalaang pang-lungsod, mga opisyal ng barangay, mga sakop nito, gayundin ang iba’t ibang sektor.

“We endeavor to have garbage-free streets and corners, clean waterways, graffiti-free infrastructure, beautified sidewalks and center islands,” saad ng mga konsehal sa resolusyon.

Naniniwala sila na ang pagbibigay ng insentibo sa mga ganitong gawain ay maaaring magsulong ng maayos na tagisan upang mapabuti ang kalinisan at kaayusan sa Lapu-Lapu City.

Kabilang sa mga pamantayan para sa kompetisyon ay ang: overall cleanliness, orderliness, greening and beautification, social participation through barangay ordinances crafted and implemented, education and information campaign, proper waste management, presence or absence of graffiti, the initiative for rainwater harvesting facilities, and maintenance of public buildings at iba pa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe