Saturday, October 5, 2024

HomeNewsClarin Bridge sa Loay, Bohol nag-collapse; Rescue Operation, patuloy na isinasagawa

Clarin Bridge sa Loay, Bohol nag-collapse; Rescue Operation, patuloy na isinasagawa

Kinumpirma ni Loay, Bohol Mayor Atty. Hilario Ayuban na bumigay ang tulay sa kanilang bayan na nagresulta ng pagkahulog ng tumatawid na sasakyan. 

Ayon kay Philippine Coast Guard Western Bohol Station Lt. Jg. Edzel Gonzaga, hindi bababa sa pitong katao na ang na-rescue ng pinagsamang pwersa ng Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Loay Disaster Risk Reduction Management Office at mga residente. 

Hindi pa matukoy ng otoridad kung ilang sasakyan ang nahulog sa 7-8 metrong lalim na ilog malapit sa dagat. Pahirapan ani Gonzaga ang rescue operations dahil maputik ang ilog. 

Natanggap ng PCG Western Bohol Station ang alarma alas 4:10 ng hapon, Miyerkules, Abril 27, 2022.

Source:  RP1 Cebu

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe