Friday, November 15, 2024

HomeNewsCivilian Volunteers, dineploy upang palakasin ang Anti-NPA drive sa Eastern Samar

Civilian Volunteers, dineploy upang palakasin ang Anti-NPA drive sa Eastern Samar

Ang deployment ng 88 civilian volunteers bilang militia sa Eastern Samar ay magiging malaking tulong sa kampanya ng Philippine Army na wakasan ang insurhensya sa dalawang probinsya ng Samar.

Sinabi ni Brig. Gen. Noel Vestuir, Commander ng Army’s 802nd Infantry Brigade (802nd IBde) na ang mga bagong miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) ay magpapalaki sa puwersa ng tatlong batalyon ng militar na nakatalaga sa ilang bahagi ng Samar at Eastern Samar provinces.

“Mayroon kaming karagdagang tao na maaaring i-deploy upang suportahan ang aming kampanya ng pagwawakas sa lokal na armadong labanan ng komunista. Sa karagdagang mga tao, maaari na nating palawakin ang ating operational reach, secure more community, at magpatupad ng mas maraming development projects sa mga lugar na naalis na sa impluwensya ng New People’s Army (NPA),” sabi ni Vestuir sa isang panayam noong Miyerkules, Hulyo 12, 2023.

Ang kanilang basic military training ay natapos noong Hulyo 5 at naging physically and mentally prepared ang mga CAFGU para gampanan ang kanilang mga tungkulin bilang mga miyembro ng auxiliary force na mga pwersa ng gobyerno.

Nakatalaga sila sa iba’t ibang patrol base na magiging bahagi ng Integrated Territorial Defense System (ITDS) sa mga cleared na lugar. Ang ITDS ay nagsisilbing physical and psychological barrier laban sa pagpapalawak at pagbawi ng mga lugar ng mga armadong rebelde.

Ang deployment ng mga auxiliary forces ay dumating mahigit isang buwan matapos ang paglipat ng 802nd IBde ng Army mula sa lalawigan ng Leyte patungong Eastern Samar.

Ang brigade na nakabase sa Camp Downes sa Ormoc City sa loob ng mahigit dalawang dekada, ay opisyal na inilipat sa Borongan City sa Eastern Samar upang tumulong na matugunan ang target na wakasan ang insurhensya sa mga lalawigan ng Samar ngayong taon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe