Saturday, January 25, 2025

HomeNewsCHR iniimbestigahan ang kaso ng pagpatay sa isang sibilyan ng mga NPA...

CHR iniimbestigahan ang kaso ng pagpatay sa isang sibilyan ng mga NPA sa Leyte

Tacloban City – Ikinatuwa ng Philippine Army ang isinagawang imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) sa pagpatay sa isang sibilyan ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa isang upland village sa Carigara, Leyte.

Ayon kay Capt. Kaharudin Cadil, tagapagsalita ng 802nd Infantry Brigade ng Army, sa isang panayam sa telepono noong Miyerkules na lubos nilang sinusuportahan ang isinasagawang imbestigasyon bilang bahagi ng promosyon, pagsunod at paggalang sa karapatang pantao ng mga sundalo.

Dagdag pa ni Cadil na sinamahan nila noong Martes ang isang team mula sa CHR Regional Office sa pangunguna ni Raquel Barasts na naglunsad ng espesyal na imbestigasyon sa pagpatay sa isang sibilyan na si Jesus Sarcilla, 61, ng mga miyembro ng komunistang teroristang grupo na pinamumunuan ni Juanito Sellesa.

Pinatay ng mga NPA si Sarcilla noong Disyembre 7, 2021 na nasaksihan pa mismo ng anak ng biktima na si Zosima, 26, sa kabila ng kabutihang loob na ipinaabot nito sa nasabing teroristang grupo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkain at tirahan. Ilang beses siyang binaril sa labas ng kanilang bahay sa nayon ng Binibihan sa bayan ng Carigara.

“Ayon sa CHR, naisampa na ang kaso sa Branch 48 ng Regional Prosecution Office for International Humanitarian Law violation. Tumulong ang CHR upang tukuyin ang mga paglabag sa karapatang pantao at igiit ang pananagutan ng mga may gawa nito. Sa pamamagitan ng nasabing pagsisiyasat, maiiwasan natin ang mga ganitong uri ng pagmamalupit lalo na sa mga inosenteng sibilyan,” dagdag pa ni Cadil.

Ang bayan ng Carigara ang naging sentro ng operasyong militar laban sa NPA sa lalawigan ng Leyte nitong nakaraang tatlong taon.

Sa pagitan ng 2019 hanggang 2020, lumipat ang mga NPA sa kabundukan ng Carigara matapos linisin ng mga sundalo ang mga napasok na lugar sa Ormoc City at Kananga, Leyte.

Ang Carigara ay humigit-kumulang 48 kilometro sa hilagang-kanluran ng Tacloban, ang kabisera ng rehiyon. Ito ay isang 2nd class town na may populasyong mahigit 51,000.

Source: PNA https://www.pna.gov.ph/articles/1175626

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe