Sunday, November 24, 2024

HomeNewsChop-chop victim na iniwan sa harap ng NBI office, tinukoy na isang...

Chop-chop victim na iniwan sa harap ng NBI office, tinukoy na isang drug suspek

Tinukoy ng otoridad na isang lalaking drug suspek ang nagmamay-ari ng pira-pirasong katawan ng tao na nakalagay sa sako at iniwan sa harapan ng tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) Bacolod City noong Marso 1, 2024.

Kinumpirma ni NBI Bacolod City Chief Renoir Baldovino, na ito ay isang lalaki na sangkot umano sa ilegal na droga, ngunit sa ngayon ay hindi muna pinangalanan ang biktima dahil patuloy pa ang kanilang ginagawang beripikasyon mula sa Technical Division ng NBI Manila na nakatakdang dumating sa Bacolod City.

Ayon pa kay Baldovino, nakilala nila ang may-ari ng chop-chop ng ilang parte ng katawan dahil na rin sa mga lead na ibinigay ng kanilang mga informant.

Posible umanong ang taong nag-iwan ng mga chop-chop na katawan ng tao sa harapan ng NBI Office sa Bacolod City ay gustong manakot upang tigilan na nila ang kanilang aktibong kampanya kontra ilegal na pasugalan sa lungsod.

Matatandaang dakong alas-5:45 ng umaga noong Biyernes nang madiskubre ang isang sako kung saan nakalagay ang ilang putol na bahagi ng katawan ng isang tao na kinabibilangan ng dalawang braso, kaliwang hita at dalawang tenga, sa harapan ng NBI Office sa kahabaan ng Aguinaldo St., ng nasabing lungsod.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Bacolod City Police Office (BCPO) at bumuo ng special investigation task group (SITG) na siyang tututok sa kaso upang matukoy ang nasa likod ng naturang karumal-dumal na krimen.

Source: Pilipino Star Ngayon

Photo Courtesy by Manila Bulletin

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe