Monday, November 25, 2024

HomeFood & DelicaciesChicken Inasal, nais isama sa listahan ng local cultural property ng Bacolod...

Chicken Inasal, nais isama sa listahan ng local cultural property ng Bacolod City sa NCAA

Bacolod City- Nakatakdang irehistro ng Bacolod City Tourism Office (CTO) ang sikat na chicken inasal (grilled chicken) sa Philippine Registry of Cultural Property sa ilalim ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), iyan ay ayon kay Maria Teresa Manalili, City Chief Tourism Operations Officer.

Aniya, kasalukuyan na silang naghahanda sa mga kinakailangang dokumento na ipapasa sa NCCA.

Balak ng lungsod na mapasama ang chicken inasal sa mga listahan ng mahahalagang local cultural property alinsunod sa Chicken Inasal Cultural Property Rights Ordinance na ipinasa ng City Council nito lamang Nobyembre 16, kung saan nakasaad dito na ang chicken inasal ay cultural property ng lungsod ng Bacolod.

Ang nasabing ordinansa ay inakdaan ni Councilor Em Ang, kung saan nakapaloob dito na naatasan ang CTO katuwang ang office of the city government at iba pang mga opisina ng lokal na pamahalaan na tumulong para sa naturang registration.

Layunin ng naturang ordinansa na pangalagaan at protektahan ang cultural property rights ng lungsod sa sikat at kilalang chicken inasal, kung saan nakatanggap ito ng world recognition at kinilalang sikat na pagkain mula sa Bacolod.

Nito lamang Oktubre, sa inalabas ng datus ng TasteAtlas.com, isang sikat na online food critic, panglima ang chicken inasal sa pinakamasarap na pagkain sa mundo, kung saan inilarawan ito bilang “unique Filipino grilled chicken” na nagmula sa Bacolod City at naging signature dish ng buong Visayas region”.

Kilala rin ang Bacolod sa “Manokan Country,” nito, kung saan matatagpuan ang mga food stall na naghahain ng chicken inasal na matatagpuan sa Reclamation Area.

Noong 2018 at 2019, inilunsad ng lungsod ang Chicken Inasal Festival, kung saan ibinida ang iilan sa mga local chicken menu at libu-libong inasal na manok ang inihain gamit ang uling (charcoal) sa kahabaan ng Araneta Street sa downtown area ng nasabing lungsod.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe