Tuesday, December 24, 2024

HomeEntertainmentCultureChicken Inasal Festival, umarangkada na sa Bacolod City

Chicken Inasal Festival, umarangkada na sa Bacolod City

Umarangkada na ngayong araw ng Biyernes ang taunang Chicken Inasal Festival sa Bacolod City, matapos itong mahinto sa loob ng apat na taon sanhi ng Covid-19 pandemic.

Gaganapin ang nasabing selebrasyon sa Manokan Country malapit sa SM City Bacolod sa reclamation area ng nasabing lungsod hanggang Mayo 28, 2023.

Daan-daang mga bisita ang inaasahang dadayo sa nasabing selebrasyon upang matikman ang sikat na Bacolod Chicken inasal.

Samantala, itatampok naman sa nasabing food festival ang iba’t ibang sikat na delicacy at kakanin sa lalawigan ng Negros Occidental gaya ng sikat na piaya, at iba pang mga muscovado-filled snack.

Habang mayroon namang Inasal Cooking competition na lalahukan ng bawat barangay sa Bacolod City.

Nanguna naman si Mayor Albee Benitez sa pagsulong sa nasabing selebrasyon at inanyayahan ang iba pang mga nagbabalak dumayo sa lungsod na talagang subukan ang masarap na Bacolod Chicken inasal.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe