Bilang bahagi sa pagsisikap na ma- institutionalize ang paggamit ng aerial technology sa pagpigil at pagresolba sa mga krimen, sumailalim sa pagsasanay ang mga Drone Patrol Officer’s ng Police Regional Office (PRO) 7 (Central Visayas), base sa pahayag ng isang opisyal ng pulisya noong Biyernes.
Ayon kay Police Brigadier General Jerry F Bearis, Regional Director ng PRO 7, ang ilang mga tauhan ng rehiyon ang sumailalim sa isang araw na Basic Drone Operation and Maintenance Workshop noong Huwebes upang bigyan sila ng kaalaman sa paggamit ng mga drone sa pagpapanatili ng matagumpay na kampanya laban sa kriminalidad.
Ang seminar ay ginanap sa Multi-Purpose Hall ng Regional Police Headquarters sa Camp Sergio Osmeña Sr. Itinampok sa mga kalahok ang napakahusay na aerial technology na angkop para sa patrolling, pursuit operations, at anticipating security concerns.
“Sinamantala ng PRO-7 ang pinaka-advanced na aerial monitoring system sa matagumpay na pagsasagawa ng inaabangang Sinulog 2023 sa Cebu City at Carmen, Cebu. Ang seguridad ay na-upgrade sa paggamit ng mga drone, mobile CCTV, at helicopter patrols, “wika ni Police Brigadier General Bearis.
Sinabi naman ni Police Lieutenant Colonel Gerard Ace Pelare, tagapagsalita ni PBGen Bearis, na ang drone patrolling ay hindi lamang gagamitin sa mga malalaking kaganapan tulad ng Sinulog bilang ang PRO-7 ay nagsisikap na isama ito sa regular na pang araw-araw na anti-crime proactive measures.
“Talagang, ang paggamit ng teknolohiya ay isang mahusay na pamamaraan sa pag-iwas at pagresulba ng mga krimen. Ang paggamit ng drone ay nakakapagbigay ng mas malawak na perspektibo sa kapulisan mula sa itaas kaya ito ay magiging epektibo sa pagtugis sa mga kriminal o pag-asam ng problema sa trapiko,” saad ni Pelare.
Dahil ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay hindi kayang maglagay ng mga helicopter sa bawat opisina o istasyon, ang drone patrolling ay maaaring maging isang kapaki-pakinabang na kagamitan upang mapanatili ang matagumpay na kampanya laban sa kriminalidad.
Sinabi pa ni Pelare na ang bawat lungsod at lahat ng tanggapan ng pulisya ng probinsiya sa Central Visayas ay magkakaroon ng espesyal na yunit sa ilalim ng Operations Division na mamamahala sa mga drone patrol sa katabi ng mga police foot-patroller.
Saad pa niya na hinikayat ni PBGen Bearis ang lokal na pulisya na kumuha ng aerial technology sa kanilang lokalidad at gamitin ang mga ito sa kanilang mga programa laban sa kriminalidad.