Saturday, October 5, 2024

HomeNewsCentenarian, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaan ng Eastern Samar

Centenarian, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaan ng Eastern Samar

Tumanggap ng tulong pinansyal ang isang lolo na isang Centenarian sa Brgy. Cagaut sa Bayan ng Salcedo, Eastern Samar mula kay Eastern Samar Governor Ben Evardone nito lamang Sabado, July 1, 2023.

Kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, bumisita ang Gobernador kay Lolo Andres Cadizal upang personal na alamin ang kalagayan nito at upang personal na iabot ang ayudang pinansyal mula sa pamahalaang panlalawigan.

Iniabot naman ni Governor Ben P. Evardone ang halagang Php50,000 kay lolo Andres na tumuntong na sa kaniyang ika-100 na kaarawan noong Hunyo 13, 2023.

Bukod pa sa naturang halaga ay makakatanggap din ng Php100,000 si Lolo Andres mula sa pamahalaang nasyunal sa pamamagitan ng DSWD at LGU Salcedo.

Aniya, malaking tulong ang halagang ito kung saan ito umano ang kauna-unahang pagkakataon na nakatanggap siya ng ganitong kalaking halaga sa buong buhay niya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe