Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Cebu nito lamang Martes, Agosto 30, 2022, ang pag-aaral sa pag-alis sa mandato na pagsusuot ng face mask sa pampublikong lugar sa lungsod.
Sa inilahad na mensahe ng Public Information Office ng lungsod,sa isang post sa kanilang opisyal Facebook page, ang Alkalde ng Cebu City na si Hon. Michael Rama ay nagpatawag ng isang pulong sa mga tagapagpatupad ng City Hall upang talakayin ang ligtas at mahusay na pagpapatupad ng panukala.
Kabilang rin sa mga naging usapin sa naturang pagpupulong ang pagbabalangkas ng Executive Order (EO) na naglalaman ng mga probisyon at alituntunin sa pag-aalis ng mandatory face mask rule ng lungsod.
Saad naman ng Alkalde na makikipagpulong ito sa mga opisyal ng pamahalaang lungsod sa plano na gawing hindi na paggamit ng face mask sa mga pampublikong lugar, isang hakbang na dati nang ginawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu.