Ang kauna-unahang “Pagsidlak sa Sugbuanong Alampat, Cebu City Arts Month Celebration” ay opisyal na inilunsad noong Huwebes, Agosto 3, 2023, upang ipagdiwang ang kayamanan at pagkakaiba-iba ng mga sining at kulturang Cebuano.
May temang “ANI (Harvest),” ang buong buwang selebrasyon ay may magkakaibang line-up ng mga kaganapan at aktibidad na naglalayong tuklasin at palabasin ang walang limitasyong mga talento at pagkamalikhain ng mga lokal na artista, musikero, mananayaw, at performer.
Sa grand launching, nilagdaan ni Cebu City Mayor Michael Rama at Vice Mayor Raymond Alvin Garcia ang isang resolusyon na nagtalaga ng Agosto bilang Cebu City Arts Month.
Sinabi ni Garcia na ang buwan na ito ay ang panahon para lalo pang isulong ang mga lokal na artista at bigyan sila ng pagkilala sa pagbibigay ng pride at karangalan sa lungsod.
“We are also proud to boast that our local artists have proven themselves not only in the national, but also in the international stage as well. Paulit-ulit nilang napatunayan na ang Cebu ay nagho-host ng mga world-class na artista,” saad nito.
Kasunod ng paglagda sa resolusyon ay ang ceremonial opening ng Cebu City Arts Month, sa pangunguna nina Rama at Garcia, kasama ang pangulo ng Arts Council ng Cebu Foundation, Dr. Vivina Chiu-Yrastorza, Joy Pesquera ng Cebu City Tourism Commission, at pitong kinatawan ng mga artistikong anyo ng Cebu.
Sinabi ni Chiu-Yrastorza na ang pagdiriwang na ito ay magpapalakas sa mayamang artistikong pamana ng lungsod at magbibigay daan para sa isang progresibong komunidad.
“Ito ay isang paraan ng pagsulong sa isang progresibong Cebu City. Isulong natin ang bisyon na gawing lugar ng pamunuan at lugar na bisitahin ang Cebu City,” she said.
Itinampok din sa launching ang performances ng Knapsack Dancers, Kansugbo Dance Fusion, Cebu City Dancesports Team, kanta nina Zenith Rivera at Windy Prado Avedano, balak ni Francis Matahum, at presentation ng stylized ternos ni Malayka Yamas na isinuot ng mga nanalo ng Miss Cebu 2023.
Nagtapos ang aktibidad sa pagtatanghal ng “Sinulog sa Sugbo” ng Lumad Basakanon.