Thursday, July 4, 2024

HomeCatbaloganon Bar Topnotcher, nagsilbing Guest Speaker sa 74th Graduation Rites ng Samar...

Catbaloganon Bar Topnotcher, nagsilbing Guest Speaker sa 74th Graduation Rites ng Samar College

Nagsilbing Panauhing Pandangal si Atty. Ranulfo Mendoza o mas kilala sa tawag na “Rannie” o “Ulong” para sa ika-74th Graduation Rites ng Samar College nitong Biernes, Mayo 26, 2023.

Si Atty. Ulong ay isang Certified Public Accountant, abogado at Law Professor kung saan nagtapos ito bilang 3rd placer sa 1989 Bar Examinations.

Siya rin ay nagtapos sa kanyang kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Accounting noong 1985 bilang Magna Cum Laude sa University of the East sa Manila.

Dahil sa kanyang angking galing at talino, siya ay kabilang sa mga nanguna sa Philippine CPA Board Examinations bilang 14th placer sa mga kumuha sa naturang pagsusulit sa buong bansa.

Noong 1989, siya ay nagtapos bilang Cum Laude at Class Valedictorian sa San Beda College of Law – Manila para sa kanyang kursong abugasiya o Bachelor of Laws.

Si Atty. Ulong ang Class Salutatorian ng Batch 1980 sa Samar National High School kung saan kinilala siya bilang Outstanding Graduate ng nasabing eskwelahan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe