Catbalogan City — Daan-daang residente ng lungsod ng Catbalogan ang pumunta sa dalampasigan at nakiisa sa World Clean Up Day kahapon, Setyembre 17, 2022.
Sa maikling mensahe, pinasalamatan ni Mayor Dexter Uy ang mga mamamayan at iba’t ibang organisasyon sa pagtulong sa lungsod na mapanatili ang kalinisan sa lungsod at sa mga coastal areas.
Ang World Clean-up Day ay isang taunang global social action program na naglalayong labanan ang pandaigdigang problema sa solid waste, kabilang ang problema ng marine debris.
“It is coordinated by the global organization. Unites millions of volunteers, governments, and organizations in 191 countries to tackle the global waste problem and build up a new and sustainable world”, saad ni Uy.
Ang World Clean-up Day ay ginanap sa Barangay Guinsorongan Coastal & Estaka Buri, Catbalogan City na nilahukan ng City Government Employees, Brgy. Officials, Rotary Club of Catbalogan, Volunteer Organizations at iba pang public and private sector.
“Maraming salamat sa mga nakiisa at tumulong sa “World Clean-up Day”, dagdag pa ni Uy habang umaapela sa kanyang mga nasasakupan na laging panatilihin ang kalinisan at tumulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran.