Sunday, October 6, 2024

HomeNewsCatbalogan City, nagdaos ng training para sa mga Talented Youth Groups

Catbalogan City, nagdaos ng training para sa mga Talented Youth Groups

Mga mahuhusay na grupo ng kabataan ang dumalo sa isang pagsasanay mula sa City Tourism Culture Arts and Information Office ng Catbalogan City nitong Marso 10, 2023 sa Hotel Maqueda Bay, Guinsurungan, Catbalogan City.

Ang mga grupong ito ng mga kabataan ay kumakatawan sa iba’t ibang sangay ng sining katulad ng short film, reels, stage production, vocal at rondalla. Ang mga kalahok ay nagmula sa iba’t ibang paaralan sa loob ng lungsod.

Ang pangunahing layunin ng pamahalaang Lungsod ng Catbalogan sa ilalim ng CTCAIO ay upang makadiscover at makagawa ng mga City Icons mula sa mga kabataan na lumahok.

Samantala, ang Indie film Director na si G. Dave Cecilio, ang guest speaker na tubong Paranas, Samar ay nagbahagi ng kanyang kaalaman sa paggawa ng pelikula.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe