Friday, November 15, 2024

HomeNewsCalbayog Airport, pinag-iisipan ang Php100 terminal fee hike

Calbayog Airport, pinag-iisipan ang Php100 terminal fee hike

Pinaplano ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na itaas ang terminal fee sa Calbayog Airport sa Samar mula Php50 hanggang Php150 kasunod ng pagkumpleto ng mga development project sa loob ng pasilidad.

Sinabi ni CAAP Eastern Visayas Area Manager Danilo Abarreta na magsasagawa sila ng mga pampublikong pagdinig sa Calbayog City sa Samar habang plano nilang ipatupad ang pagtaas sa Pebrero.

“Malaki ang ginagastos ng gobyerno para mapaganda ang Calbayog Airport, pero kumukolekta lang kami ng Php50 kada pasahero,” sabi ni Abarreta sa isang panayam nitong Huwebes, Enero 26, 2023.

Sa average na 60 pasahero araw-araw, ang paliparan ay kumikita lamang ng humigit-kumulang Php3,000 araw-araw o humigit-kumulang Php90,000 bawat buwan, sabi ni Abarreta.

Ito aniya, halos hindi makapag-ambag sa buwanang gastusin ng paliparan para sa kuryente, tubig at sahod ng mga tauhan.

Dagdag ni Abarreta, ay gumagastos ng Php400,000 buwan-buwan para sa kuryente, Php100,000 para sa supply ng tubig, at Php800,000 buwanang sahod ng mga tauhan na inatasang mag-operate at magpanatili ng 27.38-ektaryang airport complex.

Ang huling beses na itinaas ng CAAP ang terminal fee sa Calbayog ay noong 2013 mula Php20 hanggang Php50 bawat pasahero.

Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ay mayroong ng Php67.29 milyon na implementasyon para sa pagpapaganda sa mga pasilidad ng Paliparan.

Saklaw ng badyet ang pagtatayo ng administration building, bagong 9 story na control tower building, isang bagong fire station at isang powerhouse.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe