Friday, November 15, 2024

HomeNewsBrgy. Chairman, arestado sa pagbebenta ng shabu

Brgy. Chairman, arestado sa pagbebenta ng shabu

Eastern Samar – Arestado ng mga awtoridad ang isang Barangay Chairman sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Brgy Maglipay, Sulat, Eastern Samar noong Hulyo 27, 2022.

Kinilala ang suspek na si Mariovic Jaradal alyas “Toktok”, Brgy Chairman ng Brgy Potong, San Julian, E. Samar. Siya ay nakalista bilang isang high value target (HVT) sa naturang barangay.

Naaresto si alyas “Toktok” ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Region VIII, Eastern Samar Police Provincial Office, at Sulat Munipal Police Station.

Nakuha sa suspek ang limang sachet ng shabu na may tinatayang may market value na Php19,303.

Dinala ang suspek sa Sulat MPS lock up facility para sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe