Saturday, November 23, 2024

HomePoliticsSectoral NewsBPATs nakilahok sa isinagawang Information Awareness sa Sta. Rita, Samar

BPATs nakilahok sa isinagawang Information Awareness sa Sta. Rita, Samar

Sta. Rita, Samar – Nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team sa isinagawang Information Awareness ng mga awtoridad sa Brgy. Anibongon, Sta. Rita, Samar nitong ika-23 Agosto 2022.

Aktibong nakinig ang 30 participants na kasapi ng BPATs kasama ang mga opisyal ng Barangay sa pamumuno naman ni Barangay Captain Joel Ybañez.

Nagbahagi ang mga tauhan ng 805th Regional Mobile Force Company ng karagdagang kaalaman patungkol sa RA 9262 (Anti-VAWC Law), RA 8353 (Anti-Rape Law), EO 70 (NTF-ELCAC) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2022).

Layunin ng aktibidad na makapagbigay ng sapat na kaalaman at kamalayan sa mga residente ng kanilang nasasakupan.

Hinikayat naman ng PNP ang mamamayan na makiisa at suportahan ang mga programa ng gobyerno para sa ikauunlad at sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa komunidad.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe