Sunday, November 24, 2024

HomeNewsBorongan City Airport, bukas na para sa mga Commercial Flights

Borongan City Airport, bukas na para sa mga Commercial Flights

Pinasinayaan ng flag carrier Philippine Airlines (PAL) ang Borongan City Airport, unang ruta patungong Samar Island at Manila-Cebu-Borongan-Cebu-Manila flights, na ginanap sa Barangay Punta Maria, Borongan City, Eastern Samar, nitong Lunes, Disyembre 19, 2022.

Ang inaugural PR 2651 flight ay sinalubong ng isang water cannon salute at isang festival dance ng mga mananayaw ng Padul-ong ng Sta. Fe National High School, sa presensya ng PAL Executives, mga opisyal at empleyado ng Borongan City at Eastern Samar province.

“This was a vision long-held by the Borongan Tourism and Business Community and we are glad to help and be your humble instrument in the hopes that we can foster the economic development of Eastern Samar”, sabi ni PAL’s Vice President for Sales Salvador Britanico.

Siniguro naman ni Britanico na patuloy na gagawin ng PAL ang kanilang misyon na tumulong na gawing sentro ng negosyo at turismo ang Eastern Samar.

Aminado ang CAAP na ang paglulunsad ng paliparan na ito ay malaking gawain para sa kanila ngunit tinitiyak pa rin nito ang ligtas at secured flights para sa lahat ng pasahero.

Hinikayat ni Borongan City Mayor Jose Ivan Dayan Agda ang lahat na suportahan ang makasaysayang milestone na ito at ipagpatuloy ang pagtulong upang mas maging matagumpay ang matagal nang pangarap na ito.

“Kun diri dara hit kalooy hit makagarahum nga Diyos, diri ini ngatanan magiging posible. From the bottom of my heart, para hit economic development hit aton probinsya, gidadako-e nga salamat ha iyo ngatanan”, mensahe ni Mayor Agda.

Nangako si House Minority Leader Representative Marcelino Libanan na tutulong sa pagpapabuti ng mga pasilidad ng paliparan sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo upang mapalawig ang umiiral na 1.2 kilometrong runway sa 2 kilometrong runway upang ang paliparan ay makagamit ng airbus para sa hinaharap na mga direktang paglipad patungo at mula sa mga lugar na malayo sa Borongan.

Samantala, buong pagmamalaking binati ni Gobernador Ben Evardone ang lahat ng tao sa likod ng malaking tagumpay na ito.

“This will be a major catalyst for change and development in our province. This flight will ignite a host of opportunities. The success of all our endeavors is the success of Eastern Samar”, ani Gov. Evardone.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe