Friday, September 27, 2024

HomeNewsBinata, patay nang madaganan ng puno ng niyog sa Calbayog City

Binata, patay nang madaganan ng puno ng niyog sa Calbayog City

Patay ang isang binatang 19 anyos na lalaki matapos madaganan nang puno ng niyog sa Pido extension, Brgy. Rawis, Calbayog City.

Nangyari ang insidente pasado alas 2:00 hapon ng Miyerkules, January 4, 2023 sa kasagsagan nang malakas na pag-ulan.

Kuwento ni Mang Melchour Montero, ama ng biktimang si Mark Montero, kitang-kita nila ang pangyayari habang nasa labas ng kanilang bahay ang kanyang anak. Sinigawan pa aniya nila ito na tumakbo subalit hindi sila narinig.

Isinugod sa ospital ang biktima subalit ideniklara itong dead-on-arrival ng mga doktor.

Nasa Bornec funeral na ang bangkay ng biktima at kasalukuyang iprinoproseso ang katawan nito para iburol.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe